Sa Lahat ng Pinoy sa Mundo!
Maraming salamat sa inyong mapagmahal na pag alaala. Kaninang umaga malamig ang simoy pero inakyat namin ang Syangboche, ang may pinakamataas na airport sa buong mundo (may lumapag na \”Hind\” helicopter habang paakyat kami). Sa ganda ng panahon nagpakita sa amin ang tuktuk ng Everest, malapit na po kami, pitong araw na trek na lang at mararating na namin ang Everest Base Camp.
MARAMING SALAMAT SA MGA DATING KAIBIGAN AT SA MGA BAGONG MAGING KAIBIGAN. IPAGMAMALAKI NATING LAHAT ANG PINOY!
aileen ng benguet, Salamat sa paalala mo. Hindi ko pa nakalimutan. Alam ko si Art hindi rin.
madonna, cdo. Huwag kang magalala iniingatan namin si Carina at 2 pang Pinay! Maski na mabinta sila sa mga puting trekkers.
Butch buhay ng amerika - salamat tsong. Ito ay para sa lahat ng Pinoy! Saan man sa mundo!
Mathias Baumann, Germany - Leo, Pastor & Carina and the rest of the FPMEE Muztagh Ata Expdition extend their regards to you. YOu\’ll be updated on our plans for next year.
Kaye, USA - Salamat! 4 kaming UPM dito sa team.
Christine Mae Balogo, Negros Occ, - Salamat sa imo nga mensahe. Si Art Valdez taga Bacolod kag ako taga Maao, Bago City.
Jon torella, palmc - 2 kami ni Larry Honoridez miembro ng palmc dito sa team.
Pasensya na po kung hindi namin kayo lahat masagot sa ngayon. Sa tutoo lang po, napakalamig ngayon dito at paakyat pa mamaya ang papunta sa lodge na tinotuluyan namin (nasa 12,000ft+ elevation na po kami).
Hindi lang po ako (kami) nagagalak sa mga nababasa naming mensahe ninyo, sa tutuo lang po nakakaiyak at nakakataba ng puso.
SANA PO IPAGPATULOY NYO ANG PAGPANALANGIN PARA SA IKATATAGUMPAY NG AMING PAKAY DITO!
KAYA NG PINOY!
Fred “Tatang” Jamili